CHAPTER 4

1476 Words
Habang nagdi-discuss ang aming guro sa History, hindi ako nakinig sa kanya. Wala sa klase ang aking utak, abala ito sa paglalakbay sa nakaraan, sa mga kaganapan kanina doon sa bahay nina Omar. Tuwing naiisip ko ang kapangahasan ni Omar sa aking labi, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Isa akong malaking hipokrita kung patuloy kong itatanggi na kinilig ako sa nangyari sa amin. Maliban sa kilig, nakaramdam din ako ng takot at pangamba na baka ipagkalat ni Omar sa mga kaibigan nito at mga kaklase namin ang nangyari sa amin kanina. Mapapahiya ako. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na isa akong easy girl? Ini-imagine ko pa lang ang mga bagay na p'wedeng mangyari sy kinilabutan na ako. Alam ko na as usual ay tulog si Omar sa kalagitnaan ng aming klase ngunit pasimple pa rin akong lumingon sa kanyang kinauupuan at nagulat ako sa aking nakita. Kasi hindi ito natutulog, kundi dilat na dilat at parang nakikinig pa sa aming guro. Mabilis akong nag about face kasi nakakahiya kung mapansin niya akong nakamasid sa kanya. Talaga lang ha? Bakit kaya aktibo sa klase ang kumag? Nakakapagtaka! Ilang saglit lang, pinagsisihan ko na tiningnan ko siya dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Imbes na mag-focus sa aming guro ay ibinaling niya kasi sa akin ang kanyang mga mata at nakipag- eye to eye contact pa siya sa akin. Dinilatan ko siya upang una itong magbaba ng tingin pero lumaban ito ng titigan sa akin hanggang sa ako na lang ang unang nagbawi ng tingin. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa, na tila ba ako'y nahipnotismo sa kanyang mga titig sa akin. Sinenyasan ko siya na unang magbaba ng tingin pero hindi ito sumunod, bagkus, kinindatan lang niya ako. Ayoko na, husto na, tama na! Nag-excuse ako mula sa aming guro at nagpaalam na pupunta lang sa comfort room saglit. Kung hindi ako makalanghap ng sariwang hangin, baka tuluyan na akong sumigaw. Ang hirap kasing sarilinin ang lahat. Gusto kong i-share sa mga kaklase ko kung ano ang pakiramdam ng kinilig pero hindi ko magawa. Takot akong mahusgahan lalong-lalo na at si Omar ang lalaking nagpakilig sa akin. Kung bakit ba kasi ang pangit ng reputasyon niya sa skul namin, eh. Naghimutok ang aking damdamin na hindi siya ang most behave sa buong campus. Paglabas ko mula sa comfort room ay hindi ko inasahan na makita si Eugene. Magbabanyo din siguro, sabi ko sa aking sarili. At gaya ng sabi ko sa aking sarili na dedeadmahin na si Eugene, hindi ko siya pinansin. Sa loob ng ilang taon na nagtiyaga ako sa paghihintay sa kanya, ganun-ganun lang 'yon? Sinisi pa ako nang hindi magreply sa mga text niya si Paula. Hmmmp! "Anna," narinig ko ang pagtawag niya sa akin, pero hindi ako lumingon at patuloy na naglalakad pabalik sa room namin. Ha, bahala ka sa buhay mo. Walang-wala ka na sa akin ngayon, Eugenio Tugot! Pero mapilit si Eugene at hinablot ang isa kong braso nang hindi ko siya pinansin. "Ano ba?" sinita ko siya at tiningnan ng masama. "Nahihibang ka na ba? Ba't ka sumama kay Omar? Alam mo naman kung anong klaseng lalaki siya!" Galit na kwinestyon ni Eugene ang desisyon kong pagsama kay Omar. "Pwes, wala akong pakialam! Mabuti pa ang tao na binansagang basagulero ngunit mabait naman sa totoong buhay kaysa sa nagbabait-baitan lang ngunit demonyito naman!" Pinaparinggan ko talaga siya ng harapan. Ininis niya ako, eh! Ginalit niya ang natulog kong kamalditahan. "Ako ba ang tinutukoy ko? Hindi ako magtataka kung bigla ka na lang mabuntis at hindi makapagtapos sa pag-aaral!" Pahayag ni Eugene na para bang minaldisyon niya ako. Inakala siguro ng kumag na siya si Mang Kepweng, eh! Anong mabuntis ang pinagsasabi nito? Mabubuntis ba ako? Naku, hindi pwede 'yon. Bahagya akong kinabahan lalo na at may nangyari sa amin ni Omar kanina. Hinalikan niya ako at ako namang si tanga ay humalik rin sa kanya. Pakiramdam ko, para akong hihimatayin sa takot. Baka tagain ako ni Tatay kapag malaman niyang nakipaghalikan na ako sa isang lalaki. Kinabahan ako ng sobra-sobra. Nanlamig ang buo kong katawan at parang mahimatay na talaga ako sa sobrang pangamba. Pahamak talaga si Eugene, oo! At dahil sobra akong nag-alala, hindi ko namalayan na dumating pala si Omar, ang dahilan ng pagtatalo namin ni Eugene. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin at inalalayan ako papunta sa canteen. Pinaupo niya ako at iniwan saglit. Pagbalik niya, may dala na itong baso na may mainit na tubig at ipinainom sa akin. "Salamat," sabi ko. "Baka nagugutom ka na. Tutal malapit na ang breaktime, dito na lang tayo. Nag-order na ako ng makakain natin. Ano, okay ka na ba?" Base sa boses ni Omar, parang nag-aalala talaga siya sa akin.Masarap pala sa pakiramdam na sobrang maalaga ang isang lalaki. Unang beses ko pa itong naranasan ngunit sobrang fullfilling siya. "Omar, baka mabuntis ako sa ginawa natin kanina." Pabulong kong sabi sa kanya. Pero teka, bakit tumawa lang ito? Sabagay, ano ba naman ang aasahan ko mula sa isang taong laging natutulog sa klase? "At sino naman ang nagsabi sayo n'yan?" Natawa siya habang nagtanong sa akin. "Sabi kasi ni Eugen - "At naninawala ka naman sa kanya? Huwag mo nang isipin ang pinagsasabi niya sayo. Mabuti pa ay kumain ka na lang nitong inorder kong sandwich." Mungkahi ni Omar sa akin. Sandwich at ice-cold na coke. Perfect para sa miryenda. Gaya ng sabi ni Omar, hindi na kami bumalik sa klase at doon na lang naghintay sa canteen na tumunog ang kampanilya bilang hudyat ng aming breaktime sa hapon. Pagkalipas ng sampong-minuto, nagsidatingan na ang mga mag-aaral upang magmiryenda. At dahil tapos na kami ni Omar na kumain, hindi na kami nagtagal sa canteen at saka bumalik sa aming klasrom. Mangilan-ilan na lang ang natitira sa loob nang makabalik kami dahil ang iba ay sa labas ng paaralan pa nag-snacks. Iyong mga nagsawa sa sandwich ng canteen araw-araw ay mas pipiliin na sa labas na lang bumili ng makakain. Dumiretso ako sa aking upuan at ganun din si Omar, ngunit pagkalipas ng ilang segundo, bumalik ito at naupo sa bakanteng silya malapit sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko na makita ang sinasabi nilang basagulero. Ang tanging nakikita ko ngayon kay Omar ay isang lalaking may malambot na puso at mabait. Nahihibang na nga siguro ako gaya ng sabi ni Eugene. "Omar, tungkol sa sinabi ko kaninang umaga na crush kita, gusto kong malaman mo na hindi totoo 'yon." Umamin ako kasi hindi naman talaga siya ang aking crush. "Alam ko," sumagot siya. Ha? Paanong alam niya? Ginugudtym lang yata ako nito. "How did you know?" Nagtanong ako. "Kasi alam kong ginagawa mo lang akong panakip-butas kay Eugenio. Matagal ko nang nahalata na may gusto ka sa kanya. Naisip ko kasi na sa ganitong paraan, magkakaroon na ako ng kaibigan." "Ah, kaibigan lang pala ang hanap mo, sana'y sinabi mo na kaagad sa akin." Nakakainis naman siya. May kaibigan bang nanghahalik? At sa labi pa? "Actually, you can be my friend or a girlfriend. Pumili ka lang sa dalawa,"sabi ng lalaki. Aba, ang angas talaga ng lalaking ito. Parang pagkain lang ang pinagpipilian, ah. Hay, simula kaninang umaga, andaming nangyari sa buhay ko na hindi inaasahan. "Wow. Ikaw na talaga ang pinakagwapo sa buong mundo," sabi ko sa kanya. "Nagbibiro lang naman ako, eh. Ikaw naman masyado kang seryoso. Sa ganda mong 'yan, sayang kung maaga kang magkaroon ng kulubot sa mukha. Smile naman diyan, para mas lalo kang gumanda." Binola pa ako ng mokong at ako naman na isang uto-uto ay naniwala sa kanyang sinabi. "Ganito?" Sinubukan kong ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. Infairness kay Omar, masarap siyang kausap. "Pretty. Dapat ganyan palagi. Alam mo, kung palagi ka lang ngumingiti, mas maganda ka pa kay Paula." "Shut up. Kailangan ba talagang isama si Paula sa pag-uusap natin? Okay lang na hindi ako maganda, huwag mo lang akong ikumpara sa kanya."May bahid ng pagtatampo ang aking boses kasi hate ko si Paula at ayoko na pati sa kagandahan ay kailangan kong makipagkumpitensya sa kanya. "Fine, you're the boss. O paano, malapit nang matapos ang breaktime. Ihatid kita mamaya?" Humingi siya ng permiso na ihatid ako sa bahay. "Ano ka hilo? Baka atakihin pa sa puso ang Tatay ko kapag magpahatid ako ng lalaki sa amin, no." Sabi ko pero ang totoo ay parang gusto kong subukang magpahatid sa kanya. Ano kaya ang feeling? "Hatid lang naman eh," giit ni Omar. "Pag-iisipan ko muna ng mga limampung beses," sabi ko at bigla na lang siyang tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD