CHAPTER 3

2293 Words
"Saan ba tayo kakain?" tinanong ko siya nang tumatakbo na ang kanyang motorsiklo at nakahawak ako sa kanyang balikat. "Sa karinderya, saan pa nga ba. Gusto mo bang madisgrasya tayo?" Bigla niyang iniba ang aming usapan at kumunot ang aking noo. "Ha?" bigla akong natakot sa sinabi niya. "Bakit, nasa balikat ko ang dalawa mong kamay?Mahihirapan ako sa pag-balanse nitong motorsiklo."Sabi niya. "H-hmmm, saan ba dapat?" Pabebe ko siyang tinanong. "Dito." Bigla akong kinabahan nang kunin ni Omar ang isa kong kamay at inilipat sa kanyang baywang. Masyadong risky ang ginawa nitong pagpapatakbo gamit ang isang kamay lang, kaya kusa ko nang ibinaba ang isa ko pang kamay at humawak sa gitnang bahagi ng kanyang tiyan. Sa ilang sandali, hindi ko nagawang magsalita. Hindi biro ang  madikit ang aking katawan sa isang lalaki, sa kauna-unahang pagkakataon. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking pisngi at tila may mga paru-paru na naglalaro sa aking tiyan. "Ayyyyyy...." napatili ako ng biglang huminto ang motorsiklo ni Omar. Dahil sa biglaan nitong pagtapak sa preno, sumagi ang aking dibdib sa kanyang likod.. Actually, hindi lang sumagi, kundi  flat na flat sa likuran ni Omar. "I'm sorry." sabi ni Omar sa akin nang makabawi siya. Pinatay nito ang makina at pinababa niya ako saglit. Bumaba rin ito. "Natakot ka ba? Pasensya ka na talaga, may aso kasing biglang tumawid kanina." "Paano kung nadisgrasya talaga tayo?" tinanong ko siya nang kapwa na kami nakatayo sa gilid ng kanyang motorsiklo. "Malamang, pinagkakaguluhan na tayo ng mga tao ngayon. O di kaya, dinala na sa ospital o di kaya ay dead on the spot." Sagot ng lalaki na para bang joke lang ang lahat. Tinampal ko ang kanyang dibdib dahil hindi biro ang naramdaman kong takot kanina. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Kung ikaw ay walang pangarap sa buhay, ako meron!" Pinagalitan ko siya at tinalikuran ngunit hinabol niya ako. "I'm really sorry, okay?. Ang totoo niyan, sinadya kong tapakan ang preno kahit walang aso na tumawid upang mas lalo kang kumapit sa akin. Gusto ko lang kasing malaman kung totoo bang malaki ang dibdib mo o dahil lang sa suot mong bra." Tiningnan ko siya ng masama at hinampas ang kanyang braso. "Walanghiya ka talaga, Omar! Manyak!" "Easy. Saka mo na lang ako pagalitan pagkatapos nating kumain, okay? Hindi ka pa ba gutom?" "Kanina pa ako nagugutom pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain. Alam mo ba kung bakit?" "Bakit?" He smiled while asking me. The nerve! Sa ikalawang pagkakataon ay tumaas na naman ang aking kilay. "Ewan ko sayo. Kung papatulan kita, dalawa na tayong walang kwenta sa mundong ito!" "Walang-kwenta pero ubod ng gwapo, di ba?" At sa pangalawang pagkakataon ay kinindatan na naman ako ng mokong. "Halika na, para makakain na tayo." Muli akong sumakay sa kanyang motorsiklo. Pero habang papalapit na kami sa lungsod, nagdalawang-isip ako. Natatakot akong baka may mga taga-baryo namin na kumakain sa karinderya at isumbong ako sa aking mga magulang. "Uuwi na lang kaya ako sa amin," sabi ko sa kanya. "Too late. Nandito na tayo." He parked his motorcycle at the designated parking area for the two-wheeled vehicle. "Look, hindi ba sila Cathy 'yon? Tawagin mo." "Bakit?" "Para sabay-sabay na tayo at nang hindi mamasamain ng ibang tao ang pagsasama nating dalawa. Di ba 'yon ang kinatatakutan mo?" "Sabagay," tugon ko at malakas na tinawag ang pangalan ni Cathy na ngayon ay patawid na sa kabilang section ng public market, kung saan, nakahilera ang mga karinderya. Nang hindi ito lumingon, tumakbo ako papunta sa kanila at iniwan ko si Omar.  "Oy, Ana. 'Kala ko ba uuwi ka sa inyo?" Ikinagulat ni Cathy nang bigla ko siyang hawakan sa may braso. "Hmmm, may nangyari kasi, eh. Kaya sabay na akong mananghalian sa inyo." "Mabuti naman. Lagi ka na lang umuuwi sa inyo, eh. Let's go." "Ang totoo, magkasama kami ni Omar papunta rito. Sobrang kulit eh at mapilit." Nang makita ko ang expresyon sa pagmumukha ni Cathy, pinagsisihan kong binanggit pa ang pangalan ni Omar.  "Wee, di nga. Nakakakilig naman kung ganun. So, tinotoo pala niya ang kanyang sinabi kaninang umaga? Naku, mukhang inlab na sayo ang lokong 'yon. Paano, pinasakay ka ba niya sa kanyang motorsiklo?" pangungulit ni Cathy sa akin. Nilingon ko muna si Omar bago ako sumagot. Papunta na ang lalaki sa aming direksyon. "Shhh, ano ka ba." "Ayyyy! Grabe siya, o. Ikaw na talaga ang bida. So, anong pakiramdam nang mahawakan ang kanyang flat na tiyan? Balita ko may mga abs daw si Omar, ah." Bumulong pa si Cathy sa akin dahil papalapit na ang lalaki na aming pinag-uusapan. Ah, 'yon pala ang dahilan kung bakit may katigasan ang kanyang tiyan. "Dapat bang may maramdaman ako sa paghawak sa kanya?" "Syempre, crush mo eh!" Sagot ni Cathy. "Tumigil ka nga, parating na siya rito." Sinaway ko si Cathy dahil baka marinig kami ni Omar, nakakahiya naman. Ito kasing si Cathy, masyadong green ang imahinasyon. Kay bata-bata pa, may nilalaman na ito sa mga abs. Pero bakit, parang na-curious tuloy ako kung talagang may mga abs nga si Omar. "Hi girls!" bati ni Omar sa kanila ni Cathy. At ito namang si Cathy, parang uod na hindi mapakali. Teka, baka ito ang may crush  kay Omar? Tiningnan ko ang babae at nagulat na lang ako dahil panay ang pagngiti nito para sa lalaki. "Hello Omar, napagod ka ba sa pagmamaneho? Tara na doon sa karinderya at ilibre kita ng dinuguan," malandi ang pagka-imbita ni Cathy sa lalaki. Sabagay, likas naman talagang may pagka-malandi si Cathy. Sikat ito sa buong paaralan dahil sa pagka-taklesa nito, laging walang preno ang bibig kung magsalita.  "Kung ganun, tara na. Ano pa ang hinihintay natin?"  Nauna nang lumakad si Cathy at sumunod kaming dalawa. Pero biglang nag-overtake si Omar at tumabi sa akin. Ang nangyari, side by side kaming naglalakad. May mga sandaling hinawakan niya ang aking siko habang papunta sa karinderya.  "Ana, kumakain ka rin ba ng dinuguan?" tinanong niya ako. "Syempre naman, paborito ko 'yon, eh. Lalo na kapag medyo maanghang at maraming balanoy." Ang totoo, sumasakit ang aking tiyan tuwing kumakain ng dinuguan, ewan ko ba kung bakit hindi ko matanggihan ang putaheng 'yon. "Good. Oy Cathy, sa susunod mo na lang ako ilibre kung pwede. First time kasi naming kumain ng sabay nitong si Ana kaya gusto ko na ako ang manglibre sa kanya ngayon." Sabi ni Omar kay Cathy habang inakbayan ako. Sinaway ko siya at inalis naman nito kaagad ang kanyang kamay mula sa aking balikat. "Sure. Alam mo, feeling ko ikaw ang may crush kay Ana. Baligtad kasi ang nangyari, eh." puna ni Cathy sa pinagsasabi ni Omar. "Ganun na nga siguro," sagot nito, at bigla akong napatingin sa lalaki. Kumindat na naman siya, ano ba Omar? Huwag po! Umorder si Omar ng dalawang dinuguan, pancit bihon, dalawang kaning mais, at shanghai rolls. Umabot ng singkwenta-pesos ang nabayaran nito sa kahera. Ito na rin ang nagdala ng tray na nilalagyan ng kanyang mga inorder patungo sa dining area, sa likod na bahagi ng karinderia. Kaya maraming mga estudyante ang bumabalik-balik rito ay dahil sa maluwag na bakuran na may maraming puno na nagbibigay proteksyon mula sa init ng araw.  Kinawayan  ako ni Cathy na doon maupo sa bakanteng-mesa malapit sa kanila. Sumunod na rin sa akin si Omar. Nakaupo na kaming dalawa at magsisimula na sana sa pagkain nang biglang dumating si Paula. "Well, well, well. Look who's here? Isang taga-baryo at isang basagulero ang nagdi-date!" Malisyosang nagtaas ng boses si Paula kaya pinagtitinginan kami ng mga ibang parokyano sa karinderya. Sinenyasan ako ni Omar na huwag nang patulan ang babae at kumain na lamang kami. Nakinig ako sa kanya. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain. Sumandok ako ng kanin at nilagyan ko ng konting dinuguan, saka isinubo. Hindi pa ako tapos sa pagnguya ng isinubong pagkain nang pagalit na lumapit sa akin si Paula at binatukan ako. Nailuwa ko tuloy ang pagkain at napunta ito sa plato ni Omar.  Napatiimbagang si Omar at tumayo. Hinarap nito si Paula at pinagalitan. "Sumusobra ka na!" Pero hindi nagpatinag si Paula at nakikipagtitigan sa lalaki. Hindi rin nagpaawat si Omar. Para silang magkasintahan na nag-aaway. Kung hindi ko lang kilala si Paula na perfectionist, iisipin kong may pagtingin ito kay Omar. Pero hindi eh, iba si Paula. Ayaw nito sa mga lalaking kagaya ni Omar at mas type nito ang mga katulad ng aking kapitbahay na si Eugene. Speaking of Eugene, nasa kabilang mesa lang pala ang mokong at hindi man lang nito inawat si Paula sa ginawa sa akin. Simula ngayon, hindi ko na siya babatiin, hindi na rin ako maghihintay sa kanya upang sabay kaming pumasok sa school. Never!  "Ana, let's go! Sa amin na lang tayo kakain," sabi ni Omar sa akin at hinila niya ako palabas ng kainan. "Doon na lang tayo sa kabilang karinderya," sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang pinuntahan namin ang parking lot kung saan naka-park ang kanyang motorsiklo. Tinanggal niya ang cover at inilagay sa u-box. Nauna na itong sumampa at pinaandar ang makina, saka ako umangkas sa kanya. Habang papunta kami sa kanila, tahimik lang si Omar. Nang huminto ang motorsiklo sa tapat ng isang malaking bahay, malapit sa simbahan, nagtataka ako kung bakit. Bumaba kami at lumapit ang lalaki sa gate. Binuksan ito at inanyayahan siyang pumasok. "Ano'ng gagawin natin rito?" tinanong ko siya dahil hindi ko alam kung kaninong bahay ang pinasok namin. "Kakain. Sabi ko sayo na dito na lang tayo mag-lunch. Tara doon sa kusina," sabi niya sa akin. "Kung bahay n'yo to, kaninong bahay 'yong malapit sa school?" Sa pagkakaalam ko kasi, doon naninirahan ang lalaki simula nang magtransfer ito sa Saint Augustine. "Kay Lolo, doon kasi ako matutulog kapag nabo-bored ako dito sa amin." Kumuha ito ng isang kalderine at binuksan ang stove. Matapos lagyan ng tubig ang kalderine ay isinalang na ito sa umaapoy na kalan. "Magluluto ka pa ba?" Sana ay doon na lang kami kumain sa kabilang karinderya, grabe kanina pa kasi ako nagugutom. "Sandali lang 'to." "May maitutulong ba ako?" mungkahi ko sa kanya. Nakakahiya naman masyado kay Omar kung hindi ako tutulong sa paghahanda ng aming kakainin.  "Hmmm..I need a kiss." Nakuha pa niyang magbiro. "K-kiss? Niluluto na rin ba ang kiss ngayon?" biniro ko din siya, loko nito. Anong kiss ang pinagsasabi niya? He's really a nut job.Nagulat ako ng husto nang bigla itong tumawa ng malakas. "I like your sense of humor. Sa tingin ko, hindi ako mahihirapang magkakagusto sayo kung palagi kang ganyan." Asus! Tama na please, mas mabuti pa 'yong hindi siya magbibiro ng ganito. Ang mga cheesy niyang linya ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Tuloy, natameme ako at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Naisip ko na mas mabuti pa siguro kung  ngayon ko na kakausapin ang lalaki tungkol sa nangyari kanina. "Omar...tungkol sa sinabi ko kaninang umaga-" "We'll talk later. For now, let's eat." "Ano 'to?"  "Ramen." Anong ramen? Hindi familiar sa akin ang noodle dish na inihain ni Omar sa akin. Unang tingin ko pa lang, alam kong maanghang ang pagkain. Amoy pa lang, maanghang na at namumula ang mainit nitong sabaw. Tiningnan ko si Omar. Nagsimula na siyang kumain gamit ang chopstick. Paano kaya gamitin 'yon? "Tinidor na lang ang gamitin mo, mahirap mag-chopstick kapag baguhan ka pa." "Alam ko. Kaya lang, parang sobrang anghang nito, kakayanin ko kaya?" "Try it." "Ang anghang!" napasigaw ako matapos matikman ang sabaw na ramen. Pakiramdam ko, parang nakakain ako ng isang dosenang sili. Inilabas ko ang aking dila na parang nag-aapoy sa pakiramdam. I tried to cool it down by blowing air using my mouth but it didn't help. Dinampot ko ang isang basong tubig at inubos yon, ngunit wala pa rin. Ano'ng klaseng pagkain ang ibinigay sa akin ni Omar? Pinagtitripan lang ba ako nito? Tiningnan ko ng masama ang lalaking pilit na pinipigilan ang pagtawa. "Naku, pabebe ka pala. Sige na, kumain ka pa. Dahan-dahan lang hanggang sa makasanayan mo na ang timpla ng ramen."  Ano raw? Gusto pa nitong kainin ko ang hinain niya? Nanliit ang aking mga mata sa inis para sa lalaki. Ni hindi pa nga ako nakabawi mula sa unang tikim, tapos ngayon, gusto nitong ubusin ko ang ramen hanggang sa masanay na ako sa lasa? Grabe siya. "Come here, let me help you." Lumapit ako sa kanya dahil wala akong ibang gusto kundi ang bumalik sa normal ang aking panlasa. "Lapit pa," sabi niya sa akin. Nang makalapit na ako ng husto, as in sobrang lapit talaga na naamoy ko pa ang kanyang hininga, mabuti na lang at hindi bad breath si Omar, bigla siyang tumayo at hinawakan ang aking baywang. Pagkatapos ay bigla na lang nitong sinipsip ang aking dila na nakalabas. Itinulak ko siya pero malakas ang lalaki at hindi nagpatinag. Anong klaseng first kiss itong nangyari sa akin? Bakit ganun? Gamit ang aking buong lakas, itinulak ko siya hanggang sa binitawan na niya ako. "Bakit mo ginawa 'yon?" Pinagalitan ko siya. "Ang alin?" "Huwag mo nga akong pinagloloko, Omar. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!" tumaas ang aking boses dahil sa inis. "Sorry. Ginawa ko lang naman 'yon upang pansamantala mong makalimutan ang anghang."  "Sana sinabi mo muna sa akin bago ka nangahas na gawin ang bagay na 'yon." Sinapo ko ang aking noo dahil naiinis ako sa kanya. "That was my first kiss," malungkot kong wika sa kanya. Iniimagine ko na perfect ang pagka-execute ng aking first kiss. 'Yong under the stars ang peg at romantiko ang pagkakagawa. Hindi tulad nang -  Omar suddenly grabbed me and kissed my lips. Mariin ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nararamdaman ko kaagad ang epekto ng ginawa niya sa aking katawan. Nag-iinit ako lalo na nang ipinasok ni Omar sa aking bibig ang kanyang dila, pagkatapos ay sinipsip pa niya ang pang-ibaba kong labi.  Muntik na akong makalimot  pero tinulungan pa rin ako ng aking guardian angel. Nagkaroon ako ng lakas na huwag pabayaan si Omar sa kung ano mang balak nitong gawin sa akin, lalong-lalo na at kaming dalawa lang sa kanilang bahay. "Sandali lang, hindi pa ako handa sa ganito."  "So, pasado na ba ang first kiss na pinapangarap mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD