Kahit na nasa malayo lang siya, naramdaman ko ang kanyang mga titig. Kaya lang hindi na ako katulad ng dati na kinikilig kapag mahuli siyang nakatingin sa akin. Busy ang utak ko sa pag-iisip na kaya pala pumasok sa hotel business si Samer ay dahil kay Sarah. Dahil sa kanyang hangarin na makuhang muli ang babae ay nagsikap ito upang maging number one ang Darwish. Wala sa mga applicants ang aking utak kundi nasa posibilidad na pwede pang magkabalikan ang dalawa. “Talaga bang ako na lang diyan sa puso mo?” Tinanong ko siya ng paulit-ulit kasi umusbong na naman ang insecurity ko. Sino ba naman kasi ang hindi ma-insecure sa katulad ni Sarah? Isa pa, ngayong narating na ni Samer ang inasam-asam na tagumpay ng Darwish, si Sarah na lang talaga ang kulang, at natakot ako na anytim