Nang dumating kami sa San Agustin, pinagtitinginan ng mga tao ang limousine na service ng Darwish Group. Kung nagulat ang mga tao sa dumaang limousine, mas nagulat sila nang bumaba ang isang probinsyana na hinamak nila noon. Ayoko sanang magyabang kaya lang ang ganda sa pakiramdam na parang tiningala nila ako, na animo isa akong napaka-importanteng tao. Napailing na lang ako habang sumunod kay Samer papasok sa hotel. Mabuti na lang talaga at may dala akong ekstrang damit kasi mahirap na kung madiskubre ng mga aplikante na may ginawa akong milagro habang nasa biyahe. “Mukha kang nasalanta na gulay,” pinuna ko si Samer habang nakahiga ito sa silid na kinuha upang magamit naming dalawa. “Ikaw kasi,” sinisi niya ako. “At ako