Hindi naman sa ayaw ko na sumama ang lalaki sa akin kaya lang ay nag-alala ako sa kanyang kalagayan. Alam ko kasi na hindi pa siya totally healed, tapos may nangyari pa sa amin at nagamit niya ang kanyang lakas. Si Mariz at ang dalawa pang staff ng HR ay nauna na kahapon upang ihanda ang area para sa job fair. “Are you sure about this?” Tinanong ko siya habang hindi pa nakaalis ang service ng Darwish Hotel. “Oo naman, wala ka talagang bilib sa akin.” Sabi niya ngunit napapansin ko naman ang paminsan-minsan niyang pagngiwi sa sakit. “Wrong. Hindi naman kasi totoo ang theory mo, eh. Syempre, ayoko lang na maghihirap ka.” Sabi ko. “Salamat sa concern, Anna. Pero okey lang talaga ako, promise. Isa pa, hotel naman ang pupuntah