Nakahanda na sa mesa ang niluto kong pagkain, nakabukas na din ang wine na iinumin namin. Kumuha ako ng baked potato at inilagay sa aking plato, ganun din ang lalaki na halatang natatakam na matikman ang mga pagkain. Susubo na sana si Samer nang biglang tumawag si Ameera at pinapapunta ang ama sa isang greek restaurant sa Ayala. "Go ahead. Pwede mo namang i- take out na lang muna." Ako na ang nagsabi sa kanya na puntahan si Ameera dahil parang nahihirapan itong magdesisyon.Tumayo ako at kumuha ng Tupperware na paglalagyan ng pagkain. "Halika na, ihahatid na kita papunta doon." "Gabi na, magpahinga ka na lang. If you really want to help, paki-book mo na lang ako sa Grab." Kinuha ko ang aking smart phone at nagbook ng ride sa Grab. "Five minutes and your driver will be at the gate. Let's