Hinimas-himas ni Omar ang kanyang pisngi pagkatapos ko siyang sampalin ng left and right. "As you can see, tumila na ang ulan, pwede ka nang bumalik sa San Agustin!" "Pero hindi pa natutuyo ang aking tshirt." "Aba'y hindi ko na problema 'yon kung naka-daster ka pauwi sa probinsya!" At wala rin akong pakialam kung katawa-tawa itong tingnan sa suot na bulaklaking pambahay. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dinampot ko ito mula sa mesa at sinagot ang caller. "Yes, Mr. Darwish? Ano? Ba't nagpunta ka pa rito sa bahay? Sana'y pinabalik mo na lang ako sa hotel. O sige, sandali lang." "Sino'ng dumating?" Tinanong ako ni Omar nang maibaba ko ang phone. "Si Samer, 'yong boss ko. Hmmm, huwag ka munang lumabas ng bahay, okey? Ayokong magpang-abot na naman kayong da