Sinamahan ako ni Mariz sa puntod ng aking mga magulang at anak. Iminungkahi ng babae na bisitahin raw namin ang dati naming bahay ngunit tumanggi kasi ayokong magkita kaming muli ni Eugenio. Nabanggit kasi ni Omar ang pangalan ni Eugene. Habang ni-review ko ang mga 201 file ng mga staff, bigla na lang pumasok si Mariz at hindi maipinta ang hitsura nito. “Bakit ganyan ang mukha mo?” Tinanong ko siya. “Miss, may nangyayari sa labas! Halika, puntahan natin!” Sabi ni Mariz ngunit si Omar kaagad ang pumasok sa isip ko na siyang pakana ng kaguluhan. Dati pa ay mainitin na ang ulo ng lalaki. Naku, malilintikan talaga siya sa akin kapag makita kong nakipagsuntukan ito sa mga staff! Mabilis akong tumayo at nauna ng lumabas ng opisina upang magtungo sa lobby. “A