Kinuha ni Samer ang aking cellphone at kaagad na tinawagan si Sarah. Nagulat ako nang lumaki ang kanyang boses na para bang pinagalitan nito ang babae. Nilapitan ko siya at inagaw ang phone at saka pinatay ko ‘yon. “Hindi tama ‘yon,” sabi ko sa kanya. “Ano’ng mali sa ginawa ko? Ayokong guguluhin ka pa niya, Anna.” Paliwanag ng lalaki. “Kahit na! Baka isipin ni Sarah na wala akong sariling boses upang pagalitan siya,” tugon ko. “Mag set ka ng meeting, aayusin natin to kasi maapektuhan ang mga bata.” Suhestiyon ko sa kanya ngunit bigla na lang niya akong niyakap. Nagpumiglas ako ngunit nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang mga balikat ay tumigil kaagad ako. “Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko at ng mga anak ko kung wala ka sa aming tabi,” wika ni Sam sa gumaralg