Nang makaalis si Omar at naiwan akong mag-isa sa kanyang buhay, hindi ko sinadya na maalala ang lahat tungkol sa aming dalawa. Naisip ko lang na kung siguro ay nasa tamang edad na kami noon, baka napanindigan namin ang aming pagmamahalan. Siguro kung pareho na kaming mature noon ay baka may chance na nag-workout an gaming relasyon. Kaya lang, wala ng saysay ang mga what if’s ko pagdating kay Omar. May Paula na ang lalaki, at si Samer pa rin naman ang nagmamay-ari ng aking puso. Bago ko naging kaibigan at nobyo si Omar, kay Eugene lang umiikot ang aking mundo. Nakakatawang isipin na ang lalaking pinangarap ko noon ay siyang nagtraydor sa akin. Speaking of Eugene, hindi pa rin kami nagkausap ng personal pero nasabi na raw ni Mariz sa lalaki na pinatawad na niya ito.