Tapos na kaming kumain ngunit hindi pa rin tumila ang ulan. Nagsimula na akong mabahala kasi malapit ng gumabi. “Sino’ng kasama mo dito sa bahay?” Tinanong ko si Omar. “Mag-isa lang ako. Umuwi na kasi ang pinsan ko sa kanila,” sagot ni Omar. “Sino? Yong gwapo na katabi ko sa bus?” Nagtanong lang naman ako ngunit bigla na lang napatiimbagang si Omar at tiningna ako ng masama. “Natatakot ka ba na tayong dalawa lang ang narito ngayon?” Nagtanong ang lalaki, at syempre tumango ako. “Syempre,” sinabi ko ang totoo. Alangan naman kung magpaka-plastic pa rin ako. “Hindi naman kita gagawan ng masama, eh. Ako nga itong dapat na matakot kasi alam kong galit ka sa akin, at baka maisipan mong saksakin ako kapag