Ilang oras kaming naghintay ngunit hindi talaga tumila ang ulan. Bagkus, mas lalo lang itong lumakas pa. Nakaupo ako malapit sa may bintana habang nakatanaw sa labas ng bahay at natakot akog dahil bigla na lang dumilim ang paligid. Nag-alala ako na baka may bagyo at bukas na kasi ang opening ng Darwish. “May nabalitaan ka bang bagyo na papasok sa bansa ngayon?” Tinanong ko ang lalaking nasa di-kalayuan. “Wala naman, kaya sigurado ako na lilipas lang ulan na ‘to. Gutom ka na ba? Ipagluluto kita,” nag-offer ang lalaki. “Tulad ng ano?” Tinanong ko siya kasi hindi ako na-inform na magaling siya sa kusina. “Champorado,” sabi ni Omar, at natawa ako. “Nananadya ka na,” may bahid ng inis ang aking boses kasi pilit