At gaya ng sinabi ko, bigla na lang akong naglaho sa paningin nina Omar at Samer. Nag-indefinite leave ako sa opisina at lahat ng kailangan kong gawin dun ay naka-delegate na sa mga tauhan ko. Ewan ko lang kung hinanap ako ni Samer pero malamang ay hindi kasi nandun namn si Sarah. Mag-isang linggo na ako sa loob ng bahay at mag-isang linggo na rin akong kumain kung ano lang ang nasa pantry. Mabuti na lamang at marami akong stocks kaya ako nag-alala na magutom ako. Tuwing madaling-araw araw lang ako nagbubukas ng cellphone dahil alam ko na tulog si Samer sa mga oras na ‘yon. Tanging libro at mga pelikula lamang ang aking source of entertainment tuwing araw. Syempre, sinubukan ko ring pagandahin ang aking garden ngunit sadyang hindi ako magaling sa pagtatanim. Sinubukan kong magtahi