Nainis ako sa ginawa ni Samer kasi ang lakas ng loob nitong puntahan ako sa bahay kahit alam nito na galit pa rin ako sa kanya. Bakit ganun? Kung kailan ako na ang lumayo saka pa siya habol ng habol. Duh, pagod na ako. Mas mabuti pa siguro na ako na lang mag-isa habangbuhay upang wala na akong intindihin maliban sa anak ko. “Ayaw mo na ba sa akin?” Tinanong niya ako nang maabutan niya ako sa may sala. “Bakit ako ang tatanungin mo, Sam? Sa ating dalawa, ikaw ang unang nagbago. Mas pinili mong makipagmabutihan sa ex mo kahit ayaw ko, kahit na nasasaktan ako! Tapos ngayon, tatanungin mo ako kung ayaw ko na ba sayo? Siguro nga,” sumagot ako. “Wala kaming relasyon ni Sarah maliban sa siya ang ina ng mga anak ko,” nagpaliwanag si Samer.