"Excited si Zaiden. Makakalabas na s'ya for the first time," nakangiting sabi n'ya kay Zayn. Habang sakay ng elevator pababa ng penthouse. Ipapasyal nila ang anak sa mall. Para na rin ipamili ng mga kailangan gamit. Isama pang family bonding na rin nilang tatlo. "How about you, excited ka rin ba?" Tanong ni Zayn sa kanya. "Yes," nakangiting sagot n'ya. Mula kasi ng maka graduate s'ya tatlong beses lang sila lumabas ni Zayn, para mamili ng mga gamit n'ya sa pagbubuntis. Hindi na nga n'ya alam kung ano na ang itsura ng outside world. Ilang buwan din kasi s'yang nanatili sa loob ng penthouse. Tapos ngayon paglabas n'ya may bitbit na s'yang isang buwang bata. Sa likod ng sasakyan sila sumakay tatlo. Mamahaling SUV ang sinakyan nila, at nagpa drive si Zayn kay Manong driver. Kaya napapagit