Chapter-57

2106 Words

"Zaiden are you hungry, baby?" Agad na tumayo si Zayn kanina ng marinig ang iyak ng anak. At mabilis na lumapit sa kamang kinahihigaan ni Zaiden. Ngayon naman ay karga-karga na nito ang bata. Habang s'ya nanatiling nakaupo sa sofa at inaayos ang halos nahubad na n'yang damit, dahil sa ginagawa nila ni Zayn. "Mukhang nagpapakarga lang," sabi ni Zayn sa kanya. Habang karga nito si Zaiden. Nahihiya naman s'yang ngumiti rito. Hindi n'ya magawang tignan ito sa mga mata. "Kukuha lang ako ng tubig sa ibaba, gusto mo ipagdala kita?" Tanong n'ya. Sabay tayo sa sofa. Tumigil na sa kakaiyak si Zaiden. Nais lang talaga nitong magpakarga sa ama. "Yes, please," nakangiting sagot nito. Tumango s'ya at naglakad na palapit sa pintuan. Naririnig pa n'yang kinakantahan nito ng anak. Napangiti naman s'ya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD