"Kailangan na ba talagang simulan ang lahat ngayon?" Medyo nanginginig na tanong n'ya ng pakawalan nito ang mga labi n'ya. Matapos ang nakakalasing at na paghalik nito sa mga labi n'ya. Taas baba ang kanyang dibdib sa tensyon. Habang nakatingin sa mga mata ni Zayn na tila nag-aapoy sa pagnanasa. Nakatunghay pa rin ito sa kanya at kahibla lang ang layo ng kanilang mga labi. "Yes, you are mine now Megan," sagot nito. Saka muling inangkin ang mga labi n'ya. Hindi naman n'ya alam gagawin kaya pumikit na lang s'ya at tinanggap ang mga halik nito sa mga labi n'ya. Sinubukan naman n'yang gumanti kahit papano. At aaminin n'yang nakakadala ang mga halik nito sa kanya. Ito ang unang karanasan n'ya sa pakikipag halikan. Pero ramdam na ramdam na n'ya ang init na naglalakbay sa buong katawan n'ya.