Pagdating sa Sullivan Hotel agad silang tumuloy sa penthouse para doon daw nila pag-usapan ang pagpayag n'ya sa alok nito. Pumayag na s'ya para may makapitan s'ya, at tigilan na s'ya ng mag-ina sa pangugulo sa kanya. At pag may sapat na s'yang pera at lakas. Babawiin na n'ya ang bahay nila, at palalayasin ang mag-ina. Magsisimula s'ya ng bagong buhay pag nabawi n'ya ang bahay at lupa na tanging naiwan ng mga magulang sa kanya. Hindi s'ya papayag na pati ang mga ala-ala nilang mag-anak sa bahay na 'yon ay kukunin pa ng mag-ina. Kailangan n'ya si Zayn, dahil ito ang kahinaan ni Lorraine. Mula ng madikit s'ya kay Zayn ay nais ng magwala ni Lorraine. Kaya magagamit n'ya si Zayn para lalong inisin at patayin sa inggit si Lorraine. Saka na n'ya iisipin kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatap