Kinabukasan, maaga s'yang nagising para maghanda na sa pagpasok sa eskwela. Paglabas n'ya ng hotel room, nagpalingon-lingon pa s'ya sa pasilyo. Hinahanap si Zayn. Pero wala ito, hanggang sa makababa s'ya ng lobby wala rin si Zayn. Mukhang busy ito, baka wala sa hotel. Kaya sinabi nitonv hindi s'ya maihahatid ng eskwela. Nakaramdam s'ya ng lungkot pagsakay sa taxi. Sinulyapan pa ang malaking hotel, at nagkibit balikat. "Zayn," bulong n'ya sa pangalan nito. Kahit papano namimiss rin n'ya ito. Ilang araw palang s'ya sa hotel, tila nasanay na s'yang laging nakikita ito. Mamayang hapon magkikita naman sila. Sinabi nitong susunduin s'ya sa universirty at may pag-uusapan sila. Alam naman n'ya ang kung ano ang pag-uusapan nila. Magdamag din n'yang pinag-iisipan ang alok nito. Kung tatanggapin n