Nakalabas s'ya ng penthouse ni Mr. Sullivan na wala s'yang salitang narinig mula rito, matapos sabihin na birhen s'ya. Nakita n'ya ang gulat sa mga mata nito. Ilang beses din na nagbukas ito ng bibig pero walang salitang lumabas. Umurong na yata ang dila nito, dahil sa sinabi n'ya. Sinandal n'ya ang likuran sa malaking pintuan ng penthouse. Kinapa ang dibdib magpa hanggang ngayon abnormal pa rin ang tunog, dahil kay Mr. Sullivan. "Bakit kailangan ganito ang t***k mo?" Mahinang tanong n'ya sa sarili. Saka pinikit ang mga mata. At humugot ng malalim na paghinga. Wala na s'yang duty, dahil pinagpapapahinga na muna s'ya ni Mr. Sullivan. Kaya nagtuloy na s'ya sa hotel room n'ya, para magpahinga. Binagsak ang katatawan sa malambot na kama. Tumitig ng sa puting kisame. Saka namalayan ang pag