"Bakit ka pumunta kasama si Zayn?" Inis na tanong sa kanya ni Lorraine ng lapitan s'ya nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin nito sa suot n'yang evening dress na masasabi n'yang natalbugan n'ya ang birthday dress na suot nito. Mas pierce at hot s'yang tignan kumpara rito na halos hubad na nga sa suot nito hindi pa n'ya maramdaman ang appeal nito. Pansin din n'yang mas tinatapunan s'ya ng tingin ng mgq bisitang naroon. Mapa babae man o lalake. "I am invited right. So pwede kong isama kahit sinong gusto kong isama," confident na sagot n'ya. "Sinadya mo talaga to Megan! Sinama mo si Zayn para makaaagaw ka ng eksena!" Galit na sabi nito sa kanya. Kitang-kita n'ya ang panggigil nito at natutuwa s'ya. Hindi pa man nagsisimula ang party mukha sira na ang mood ng celebrate. "Alam