"Dito ba ang party?" Tanong n'ya kay Megan ng makarating sa may tabing dagat kung saan may isang yate na puno ng ilaw at crowded na din. "Dito na nga siguro ang party," sagot nito. Habang nakatingin ito sa labas. "Mukhang ginastusan ng husto ang party ah," bulong n'ya. "No doubt. Kaya nga gusto nila kong umattend para ipakita kung gaano kalaking party ang ginastusan ng mga ito, gamit ang pera ng Daddy ko," sagot ni Megan. Nahimigan n'ya ang inanakit sa tinig. Naiintindihan n'ya ang sitwasyon nito. At nakahanda s'yang tulungan ito. Lalo na't unti-unti na s'yang nasasanay rito. Katulad lang kanina bago sila nagtungo sa party inangkin muna n'ya ito sa may sala. At dahil hindi pa sapat sa kanya ang ginawa nila sa sala kaya nasundan pa 'yon sa bathroom ng sabay silang maligo. Hindi na s'ya