Saktong alas singko ng lumabas s'ya ng class room. Nagmamadali s'ya dahil paniguradong nasa labas na si Zayn. At pinag pipiestahan na naman ito ng mga kapwa n'ya estudyante. Hindi nga s'ya nagkamali. Nakita n'ya ang binata na nakasandal sa labas ng magarang kotse nito. Naka business suit pa ito. Gaya ng inaasahan n'ya maraming mga matang nakatutok sa napagwapong binata. Lihim s'yang napapangiti dahil ang lalaking pinagpapantasyaan ng mga kabaro n'ya ay nahalikan at nahawakan na n'ya. Although hindi n'ya masasabing pagmamay-ari n'ya ito. Pero at least may namamagitan sa kanila. Nakita at nahawakan na n'ya ang magandang katawan nito. Sa bagay na 'yon nakakalamang na s'ya. Pasimple n'yang iniling ang ulo. Habang pababa ng hagdan. Nakatingin sa dako n'ya si Zayn. Hindi tuloy n'ya maiwasan