Kinabukasan nagulat s'ya ng pag gising n'ya nasa penthouse pa si Zayn. Hindi tulad nitong mga nakarang araw na lagi itong maagang umalis. Nakabihis na s'ya at nakahanda pa para sa pagpasok sa university ng madatnan ang binata sa mesa kung saan nakahain na ang almusal nila. Bihis na rin ito. Nakasuot na ito na kulay abong business suit. Ang gwapo at napaka fresh nitong tignan. Hindi tuloy n'ya maiwasang isipin ang nangyari sa kanila nito kagabi sa tabi ng pool. Magdamag nga n'yang iniisip ang nangyari sa kanila nito. Isama pa ang huling usapan nila nito na ipapakilala na s'ya nito bilang fiancee nito sa mga magulang nito. Matutuwa na sana s'ya dahil sino ba naman ang hindi matutuwa, ipapakilala s'yang fiance ni Zayn sa mga magulang nito at soon pakakasalan s'ya nito. Pero syempre ang lah