Pagpasok sa loob ng penthouse nakita n'ya si Zayn na tumuloy sa may mini bar. Kumukuha ito ng alak roon. Nakasunod lang s'ya ng tingin sa binata. Ewan n'ya pero nasasaktan s'ya. Kakatapos lang s'ya nitong angkinin. Pareho naman silang naligayaan at nasarapan sa nangyari sa kanila. Pero bakit ngayon malamig na naman ang pakikitungo nito sa kanya. At anong kinalaman ni Aldrich? Bakit nito nais pag-usapan nila si Aldrich? Humugot s'ya ng malalim na paghinga. At hinigpitan ang sash ng robang tumatakip sa hubad n'yang katawan. Habang nakasunod ng tingin sa kay Zayn. Nakatalikod ito at sa malapad nitong likod s'ya nakatingin. Wala itong damit pang itaas kaya malaya n'yang napapagmamasdan ang maganda likod nito. "Pagdating ko kanina. Tumuloy ako sa silid mo. Sa pagaakalang naroon ka," sabi ni