Pagdating sa Sullivan Hotel, hindi s'ya mapakali. Umiikot ang mga mata n'ya sa paligid. Tinitignan kung sumunod sa reception si Laura. Hindi na muna n'ya sinabi kay Zayn, dahil ayaw n'yang mag-alala ang asawa. Lalo na masaya ito sa bawat bumabati sa kanila. Isama pang she can handle Laura now. "Ok ka lang?" Tanong ng asawa. Habang nakaupo sila sa gitnang mesa na nakaharap sa mga bisita. Hinawakan pa nito ang kamay n'yang nakapatong mesa. Sinulyapan naman n'ya ang asawa. Saka pilit na ngumiti. Para hindi mahalata nito ang gumugulo sa isip. "Yah, I'm ok. Ninenerbyos lang siguro ako, sa dami ng bisita," nakangiting sagot n'ya. "Halos mga staffs sa university at hotel ang mga inimbitahan nina Papa't Mama," "Kaya pala familiar ang iba," tanging sagot n'ya. Saka ginala ang mga mata sa paligi