Wedding Day. Ito na ang araw na pinakahihintay n'ya. Ang araw ng kasal n'ya sa lalaking pinakamamahal n'ya, si Zayn Sullivan. Bagong kabanata sa buhay n'ya. Mabubuo na ang pamilyang pinapangarap n'ya para kay Zaiden. Medyo nakakalungkot pa rin dahil hindi na masasaksihan ng ama ang magagandang kabanata sa kanyang buhay. Ganoon pa man iniisip na lang na pinanonood s'ya ng ama ngayon. At nakangiti ito sa kanya. Masaya ito sa nangyayari sa buhay n'ya. Ang pagkawala ng ama ang s'yang nagpabago talaga sa buong buhay n'ya. Inakala n'yang guguho na ang lahat sa kanya. Buti na lang ang dumating ang isang Zayn Sullivan sa buhay n'ya na s'yang nagpabago ng husto sa buhay n'ya. Pinagmamasdan n'ya ang sarili sa salamin. Suot na n'ya ang mamahaling wedding dress na pinagawa pa ng Mama ni Zayn para sa