Graduation Day Hindi nga nagbibiro si Zayn umattend nga ang mga magulang nito sa graduation n'ya. Umagaw ang mga ito ng atensyon sa karamihan. Maraming nakakakilala sa mag asawa Sullivan. Lahat binabati ang mga ito. Naiilang tuloy s'ya. Habang nakatayo sa tabi ni Zayn. Buti na lang sinabihan s'ya ni Zayn na bumili ng maisusuot para sa graduation n'ya. Kaya hindi nakakahiyang tumayo sa tabi ni Zayn at mga magulang nito. "Congratulation hija," bati ng Mama ni Zayn sa kanya. At nakipag beso-beso pa sa kanya. Nasa entrance na sila kung saan gaganapin ang graduation. Napaka ganda at elegante ng Mama ni Zayn, kahit na may edad na ito. "Thank you po. And thank you po sa pagdalo," pasalamat n'ya. "Congrats, Megan," bati rin ng Papa ni Zayn. "Susunod na sana ang kasal," biro pa ng Papa nit