Mabilis na lumipas ang mga buwan. Ramdam na rin n'ya ang unti-unting paglaki ng t'yan n'ya. Apat na buwan na ang t'yan na pero dahil sa payat ang pangangatawan n'ya ay hindi pa halata ang kanyang t'yan. Makaka graduate s'ya ng hindi malaki ang t'yan. Makaka graduate s'ya na walang makakaalam sa university na buntis s'ya. Pagka graduate n'ya, ang susunod namang ganap sa buhay n'ya ay ang pagsilang sa anak nila ni Zayn. At ang susunod pa ay ang magpakasa kay Zayn kahit wala itong pag-ibig sa kanya. Itutuloy pa rin naman n'ya ang pag pirma. Sa bawat araw na lumilipas ay iniiwasan n'ya si Zayn. Sa tuwing nasa penthouse silang pareho ay malimit s'yang lumabas ng silid. Kung kakatukin naman s'ya nito ay natutulug-tulugan s'ya. Sa tuwing sabay silang kumakain nito ay focus na focus s'ya kunwari