Pangiti-ngiti s'ya. Habang naglalakad pabalik sa opisina n'ya. Hindi n'ya maiwasang mapangiti sa kinikilos ni Megan. Halata kasi n'yang nagseselos ang dalaga kay Laura. Medyo kinilig yata s'ya na ewan. Basta nakaramdam s'ya ng tuwa. Alam naman n'yang may damdamin sa kanya ang dalaga. Ilang beses na bang inamin ni Megan sa kanya ang damdamin nito para sa kanya. Ilang beses na rin ba s'yang sumagot ng maling sagot. Dahilan na naguguluhan pa kasi s'ya. Hindi s'ya sanay sa ganitong sitwasyon at damdamin. Natatakot s'ya sa sariling nararamdaman para kay Megan. Dahil ito ang unang beses na naramdaman ang ganito sa isang babae. Hindi s'ya sigurado kung ito na nga ang tinatawag nilang pag-ibig. Sa simula palang naman ng lahat ay nais na n'yang maging pagmamay-ari ang dalaga. Lalo na ng mapatuna