"Zayn! Zayn! Zayn!" Sigaw n'ya ng malakas. Masakit kasi ang t'yan n'ya. Mukhang manganganak na s'ya. Kabuwanan na n'ya ngayong buwan. Sabi ng OB n'ya ano mang oras pwede s'yang manganak. Mangyayari na nga yata ngayon. Ramdam na rin n'ya ang pagputok ng panubigan n'ya. "Zayn!" "Megan, what happened?" Tumatakbong tanong ni Zayn sa kanya ng makapasok sa loob ng silid n'ya. "Lalabas na yata si baby," daing n'ya. Habang nakahawak sa t'yan na patindi ng patindi ang sakit. Ni hindi n'ya magawang tumayo sa kamang kinauupuan. "Masakit na masakit na ang t'yan ko," "Dadalhin na kita sa ospital," natatarantang sabi nito at mabilis na lumapit sa kinauupuan n'ya at binuhat s'ya. "Aray!" Tili n'ya sa sobrang sakit ng t'yan. "Lalabas na," Mabibilis naman ang hakbang ni Zayn palabas ng silid. Haba