"Honey, sunduin na natin ang mga anak natin ngayong tanghali," sabi ni Lester. Alas-onse na kami ng umaga nagising dahil na rin sa nangyari kagabi. Wala naman naging problema pagkatapos ng insidente kagbi. "Huwag na natin silang suduin hanggang sa umalis tayo." Sabay hawak ko sa sintido ko. "Masakit ang ulo mo?" tanong niya. Napansin kasi niyang hinahawakan ko ang ulo niya. Tumango ako. "Ang babaw lang ng tulog ka kagabi." Bumuntong-hininga si Lester. "Huwag mong intindihin ang nangyari kagabi. Mga pulis na ang bahala sa nangyari. Isa pa, dalawang araw na lang ay aalis na tayo. Susubukan kong maghanap ng flight bukas o kaya ngayong araw para makaalis na tayo ng bansa. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Bigla kong naalala ang sinabi ni Amara sa text niya. Parang gusto ko ng maniwal

