Mugto ang mga mata ko habang umiiyak at paulit-ulit na nakikiusap kay Zyrus at Rafaela. Nakatali kami ni Lester at wala kaming magawa kung hindi ang magdasal na sana ay magkaroon ng milagro na may tutulungan sa amin. Hinuhukay na nila ang paglilibingan naming dalawa ni Lester. Nakatingin ako kay Lester. Wala siyang imik habang ako ay naghalo na ang sipon at luha sa kaiiyak. Handa na akong mamatay pero 'wag naman sanang idamay si Lester. Kawawa ang mga anak namin. Ayokong lumaki sila na walang magulang. "Zyrus, pakiusap huwag mong gawin ito sa akin. Gagawin ko ang lahat ng gusto basta pakawalan mo lang si Lester. Buhayin mo siya kawawa ang magiging mga anak namin." Tinitigan ako ng masama ni Zyrus. "Hindi mo ba alam kung ilang beses akong nagtiis sa iyo. Ilang beses akong umasa na balang

