Limang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang pagtatangkang pagkidnap at pagpatay sa akin ni Zyrus at Rafaela. Dalawang araw lang sa hospital si Lester dahil hindi naman malala ang naging tama ng baril sa kanya. Si Zyrus at Rafaela naman ay naging successful ang operation ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising. "Honey, kumusta ang braso mo?" tanong ko kay Lester. Nakahiga kami sa kama at magkayakap. Mas gusto ni Lester sa bahay nagpapagaling kaysa sa hospital. Ako na rin ang naglilinis ng sugat niya. "Hindi masyadong masakit 'wag nga lang siyang mababangga." Tumingala ako. "Huwag ka na lang kayang sumama sa akin sa hospital para hindi ka mahirapan?" Bumangon siya. "I want to go with you. Wala naman sa bahay ang mga anak natin." Pinagmasdan ko si Lester pagkatapos

