Nanginginig ang kamay ni Amara at nababalot ito ng dugo habang pilit niyang hinaplos ang mukha ko. Amara.. Hindi ko magawang isigaw ang pangalan niya dahil nagsisimula ng dumilim ang mga mata ko. Nakita ko sa mga mata niya ang labis na lungkot. "M-Mahal na mahal kita." iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Amara bago ako nawalan ng malay. Nakakasilaw na liwanag.. Pilit kong idinilat ang mga mata ko kahit nasisilaw ako ng puting liwanag. Nang masanay na ako sa liwanag na nakikita ko. Naramdaman ko naman ang sakit ng katawan ko. Hindi ako makakilos nang magising ako. Dahan-dahan kong ikinilos ang ulo ko upang tingnan kung nasaan ako. Nakita ko ang puting kisame at dingding pagkatapos ang nakakabit sa kamay ko. Dahan-dahan akong kumilos at nakita ko si Mommy na tulog habang nak

