Isang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang unos na dumating sa buhay namin. Simula ng araw na iyo ay nagkaroon ng katahimikan ang puso at isip namin. Wala na kaming iniisip na may taong nagagalit sa amin. Dahil nagkapatawaran na kami sa isa't-isa. Hindi lang iyon lumaki rin ang barkada namin. Nadagdag sina Zyrus kaya sa tuwing kumpleto kaming lahat ay sobrang saya at ingay naming lahat. "Honey, bilisan mo baka mahuli na tayo," sabi ni Lester sa akin. Katulong ang driver namin isa-isa nilang inilagay sa ford pick up ang mga grocery at gamot na in-order namin sa mga manufacturing company. Lahat kaming mga magkakaibigan ay may dala-dalawang relief goods para isa sa mga foundation na sinusuportahan namin. "Okay, papunta na!" Halos tumakbo ako palabas. Sigurado kasing magagalit ang

