"Actually, matagal na kaming may relasyon ni Lester. Hindi ko nga alam na may asawa pala siya. Ang sabi niya kasi single siya kaya sinagot ko siya." "Putang ina na babae na 'yan! Ang sarap kalbuhin!" sigaw ko. Kulang na lang ay basagin ko ang telebisyon dahil sa sinabi ng babae na iyon. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya may masama pala siyang balak sa amin. "Mommy, may ibang babae si Daddy?" Naluluhang sabi ni Venice. Nilapitan ko si Venice at niyakap. "Anak, sinabi ko naman sa inyo na huwag kayong manood ng telebisyon ngayon. Hindi ba't pinagbabawal ko sa inyo ang panonood ng telebisyon at gumamit ng gadget?" Tumingala si Venice. "Totoo ba na hiwalay na kayo ni Daddy?" Hinaplos ko ang buhok niya. "Huwag mong problemahin ang bagay na 'yan anak dahil hindi yan para s

