"Where's the bathroom?" tanong ko kay Amara. Nakaramdam kasi ako ng hilo at tila masusuka ako dahil sa pinainom sa akin na alak. May kakaiba sa pinainom sa akin ngunit hindi ko alam kung sino sa mga nagbigay sa akin ang naglagay ng kakaiba sa iniinom ko. Hinawakan ni Amara ang kamay ko at hinila niya ako papasok ng elevator. "Where are we going?" Kinakabahan na ako sa nangyayari. Imposible naman nasa ibang floor ang bathroom. "Pupuntahan natin ang bathroom." Nakasandal ako sa dingding ng elevator. Lumapit sa akin si Amara at hinaplos niya ang mukha ko. Tinulak ko siya ngunit parang walang lakas kamay ko sa ginawa ko dahil hindi man lang siya lumayo sa akin. Bumukas ang elevator kaya tinulak ako ni Amara palabas. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Hindi ko siya kayang pi

