Gulo-gulo ang buhok ko at nasira ang takong ng sapatos ko. Napunit rin ang damit ko. Matapos akong sabunutan ni Veronica. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" sabi ng security guard ng coffee shop. Tinulak ko siya at dire-diretso akong sumakay ng kotse ko. Pinaharurot ko ito palayo ng coffee shop at pumunta ako sa bahay. Ibinato ko ang lahat ng makikita kong gamit upang mailabas ang galit ko. Nararamdaman ko pa ang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa ni Veronica. Ginulo ko ang mga gamit. "Ah! Humanda ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" Binuksan ko ang camera ko at nag-live video ako. Umiyak ako sa harap ng camera upang makuha ko ang simpatya ng mga tao. Bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari? Hindi ko naman kasalanan kung nagmahal ako ng may-asawa. Hindi ko sinadya iyon. Nakikita

