"Honey, hindi ka ba papasok sa kumpanya?" Umiling si Veronica. Pagkatapos ay tinakip ang kumot sa katawan niya. "Masama ang pakiramdam ko ngayon." "Huh?" Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan niya at kinapa ko ang noo niya. "Wala ka naman lagnat. Ano ba ang nararamdaman mo?" "Napagod lang ako kagabi kaya biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon." Huminga ako ng malalim. "Okay, babangon na ako dahil kailangan kong pumunta ng opisina. Marami akong meetings dahil nagkaroon ng customer complain sa produkto natin." Humarap siya sa akin. "Sorry, hindi na kita masasamahan." "It's okay, magpagaling ka na lang diyan. Uminom ka ng gamot mamaya." Tumango siya. "Thanks, Honey." Lumapit ako sa kanya upang halikan siya sa pisngi pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nang l

