"Honey! Honey!" Isang malakas na mag-asawang sampal ang pinalasap ko kay Lester. Nagulat ko nang marinig ko siyang umuungol. "Lester! Lester!" tawag ko sa pangalan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "H-Honey!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit saka umiyak ng malakas. "Anong nangyayari sa iyo, Naka-shabu ka ba?" tanong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako saka hinaplos ang mukha ko. "Sabihin mo sa akin kung nanaginip ako?" "Hindi ka nanaginip. Bakit anong nangyari?" "Honey." Bigla niya akong niyakap at saka siniil ng halik. Kumalas ako sa kanya. Kahit gusto kong hinahalikan niya. Ayoko namang makipaghalikan ng bagong gising kami. "Kadiri ka naman, ano ka, fresh breath kapag bagong gising?" Pagtataray ko. Kilala na ako ni Lester. Ayokong makip

