Malamig na titig ang ibinigay ko kay Brick nang marinig ko ang isinagot nito sa akin. Mukha namang seryoso ito sa kaibigan ko. Huwag ko lang talagang malaman-laman na ginagago nito si Cassidy dahil talagang ako ang makakaharap nito! Wala akong pakialam kung best friend man ito ni Kuya! "Talagang seryoso ka riyan sa ginagawa mo ah...Sir Brick." Pang-aasar ko pa kay Brick habang nakatitig sa maliit na palangganang may tubig. May lagnat kasi si Cassidy. Hindi makatayo dahil masakit ang balakang. Kung anu-anong pinag-iisip ko noon. Iyon naman pala nahulog lamang sa upuan ang gaga! "Kumusta na kayo?" Seryosong tanong sa akin ni Brick. Mukhang ayaw yatang sagutin ang pang-aasar ko. "Maayos naman..." sagot kong napapaiwas ng tingin. "Lintik kasing Indigo na iyon. Pagkahatid sa akin noong