FALKOR "Hindi tayo pwedeng basta-basta na lang magdesisyon at gamitin ang kapangyarihan ng bughaw na hiyas!" mariin kong paliwanag. Dahil humantong na sa hindi kaaya-ayang sitwasyon ang lahat, kinukulit ako ng aking mga konsehal na ayusin ang lahat sa madaliang paraan. "Ngunit ano ang naiisip niyong gagawin natin? Lahat ng mamamayan sa loob ng kaharian ay nagkakaisa para sa inyong pagbagsak. Kulang ang ating bilang upang tapatan ang kanilang pag-aaklas, Kamahalan!" ani Konsehal Benedicto. Hindi ako kumibo dahil nag-iisip ako ng alternatibong paraan. Hindi ko naman kasi pwedeng utusan si Akda na gumawa ng trabaho para sa akin dahil malaking pinsala ang kanyang idudulot. Kung pipiliin kong kausapin ang mga nagngangalit na nilalang, panigurado akong hindi nila ako pakikinggan. "Kamahala