Sa gitna ng tuyo at malawak na lupa, nagsusukatan ng tingin ang dalawang magiting na mandirigma na taas noong inirerepresenta ang kani-kanilang lahi. Hari laban sa binatang nakasaad sa propesiya. Sa kanilang dalawa, sino kaya ang mananaig at sino ang maiiwang nakatumba? Sapat na ba ang pagkakaroon ng titulong pinaka kinakatakutan ng lahat upang magwagi? O basehan ng lahi ang siya pa ring mananaig sa huli? Banayad ang hangin na dumarampi sa kanilang balat, ngunit hindi ang daloy ng kapangyarihan na bumabalot sa katawan ni Prinsipe Derald. Mapusyaw ang kulay pulang awra na animo'y tunay na magdadala ng labis na pinsala sa sinumang magtatangka na lumapit. Ilang segundo pa ang lumipas, ang palugit ay tuluyan nang kumupas. Mga lupa ay nayanig, pati ang ulap ay nagkubli dahil sa nagngangalit