CHAPTER 5:

1156 Words
Malalim na ang gabi at ang mga nilalang na nabubuhay sa dilim ay nagsimula nang bumangon upang simulan ang kanilang araw. Sa isang hiwalay na kaharian, may binatang nakatitig sa mamahaling kisame. Binabagabag ng maraming katanungan ang kanyang isipan ngunit ang lahat ng iyon ay naglaho nang makarinig siya nang malalakas na katok sa kanyang bintana. Magkahalong takot at pag-aalinlangan ang nadama niya noong humalik ang kanyang kamay sa kandado ng bintana. Noong buksan niya iyon, malakas na hangin ang yumakap sa kanya, bumaon sa kanyang pantulog na damit, sa manipis niyang balat hanggang sa makarating ito sa kanyang buto. Wala siyang nakitang nilalang, nilibot niya ang kanyang mga mata ngunit bigo siyang makahanap ng bakas. Naglakad siya paunahan, bigla siyang napahinto dahil may natapakan siyang bagay. Iniyuko niya ang kanyang ulo at tanging isang liham at singsing lang ang kanyang nadatnan. Naguguluhan man ang binata, pinulot niya ito't pumasok na sa loob. Isinara niyang mabuti ang bintana at sinipat ang mga bagay na kanyang napulot. Sa aking pinakamamahal na Anak; Una sa lahat, nais kitang batiin ng maligayang kaarawan. Higit sa lahat ng nilalang na naririto sa Phorian, ako ay labis na natutuwa dahil lumaki ka nang maayos, malakas at matalino. Sa mga nakalipas na taon magpahanggang ngayon, nakita ko sa iyo ang mga katangian ng pagiging magaling na Hari. Nais ko sanang manatili ang mga salitang iyong mababasa bilang sikreto ngunit dahil sa natanggap kong ulat ngayong gabi, hindi ko maaatim na hindi sa ito sabihin bago ka maglakbay.  Alam mo higit kanino man na ang pagmamahal ko sa inyo ng iyong nakababatang Kapatid ay pantay at puro. Kahit sa usaping pagpapasa ng trono ay wala akong pinapaburan alinsunod sa sinisigaw ng aking damdamin. Hindi mo man ito alam ngunit ako'y nagmamasid sa tuwing kayo ay nagsasanay, nag-aaral, natutulog, at gumagawa ng mga bagay ayon sa inyong nais. Dahil labis mo akong pinahahanga sa bawat araw, ikaw ang siyang nais kong pumalit sa aking pwesto, Derald. Hindi ko ito sinasabi upang magulo ang iyong isip at hindi magpatuloy sa iyong nais. Takot man ako at puno nang pag-aalala dahil malalayo ka sa amin, ngunit bilang iyong Ama, nais kong malaman mo na ibinibigay ko sa iyo ang buo kong suporta at panalangin. Alam kong saan ka man dalhin ng iyong mga paa ay babantayan at gagabayan ka ng iyong Ina. Wag kang mag-alala dahil maghihintay ako at ang buong Phorian sa iyong pagbabalik. Hanggang sa muli nating pagkikita. Naua'y baunin mo ang aking pagmamahal sa iyo at iuwi ang magandang balita. Hindi nito mapigilan ang kanyang sarili sa pagluha. Niyakap niya ang liham upang protektahan na hindi ito mabasa. Ang singsing na gigil na nakakulong sa kanyang kamay ay hinalikan niya. Habang patuloy sa paghikbi, hindi makapaniwala ang binata na nakatanggap siya ng ganoong klaseng liham mula sa taong inaakala niyang walang paki sa kanya. Dahil sa nag-uumapaw na damdamin, bumagsak ang tuhod nito't lumagapak sa sahig. Hinayaan niya ang kanyang sarili na mahiga roon habang ninanamnam ang sandali. COSMOS "This doesn't exist in the original story!" inis kong bulyaw habang binabasa ang liham na natanggap ko mula sa aking Ama. "Paanong nagpasya siyang wag ganapin ang koronasyon sa nakatakdag araw?! Anong nag-udyok sa kanya? Sinong nag-udyok sa kanya?!" Pilit kong hinahanap ang sagot habang binabasa ko paulit-ulit ang laman ng liham na natanggap ko ngayon lang. Dahil sa labis na disappointment, pinunit ko nang pinong-pino ang papel at tinawag ang katulong upang linisin iyon. "Nasaan ang Reyna? Papuntahin mo sa akin ang aking Ina pagkatapos mong itapon iyan, bilis!" bulyaw ko. Mabilis itong lumabas sa kwarto bitbit-bitbit ang walis tambo at maliit na panalok ng dumi. Pagkalabs nito ng kwarto ko, para akong nawala sa sarili at pinagtatapon ang gamit na nasa mesa. Libro, plorera, lahat ng makikita ko ay ihinahambalos ko sa pader. "Ano sa tingin niyang binabalak niya? Pag-iisipan niyang maging Hari si Derald? Ha! Ako ang magiging Hari! Ako ang papalit sa trono niya gaya ng nasa kwento!" "Cosmos? Anong nangyari rito, Anak?!" gulat na tanong ni Ripley. Nag-aalala itong lumapit sa akin at sinipat kung may sugat pa ako sa katawan. "Hindi ko na kaya pa, Ina. Hindi ko na kayang makipagkumpetensya pa kay Derald! Alam naman natin na kahit ano ang gawin ko, hindi ko malalamangan ang Kapatid ko pagdating sa pagmamahal ni Ama," ani ko habang umiiyak. Mahigpit akong kumapit sa kanyang balikat at idiniin ang mukha ko sa kanyang dibdib, wari'y isa akong batang paslit na naghahanap ng kalinga ng isang Ina. "Huwag mong sabihin iyan, Anak. Mahal ka ng iyong Ama at sa inyong dalawa, ikaw ang mas pinapaburan niya." Idiot... Halatang naisahan siya ng kanyang asawa! Hindi niya alam na hindi magkakaroon ng koronasyon hangga't hindi nakakabalik si Derald sa Phorian. Tssss! Saan naman pupunta ang bastardong iyon!?  Magtatago? Magtatago? Ahhh! Muntik ko nang makalimutan na tinakot ko pala siya kanina. Ha! Kung nais niyang magpakalayo-layo, mainam na iyon.  "Kumalma ka na ba? Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko, ha?" tanong nito habang hawak-hawak ang aking pisngi. Umakto ako na nahimasmasan kaya lumayo na ito nang bahagya sa akin. Inakay niya ako patungo sa aking higaan at pinahiga. "Kung ano man ang bumabagabag sa isipan mo ngayon, iwaksi mo na iyon dahil sisirain lang nito ang iyong utak. Mahal ka ng iyong Ama. Mahal ka naming pareho," ani to. Hinagod niya ang aking buhok gaya ng ginagawa ng mga magulang para patulugin ang kanilang anak. "Patawarin niyo ako sa nakita niyong asal mula sa akin, Ina. Labis lamang akong nababahala sa natanggap na liham mula kay Ama." Noong marinig niya iyon, kumunot kaagad ang kanyang noo. "Liham? Anong sabi ng iyong Ama sa liham?" tarantang tanong nito.  Sabi ko na nga ba, wala siyang alam. Tsss, kapag nagpatuloy ang ganitong kat*ngahan mo, Ripley, mahuhuli ng Hari ang pakikipaglandian mo sa iyong kawal. Pero dahil mabait ako, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Gagamitin kitang pananggalang sa tuwing may gagawin akong pagkakamali. Hangga't hindi ka pa nagdadalang-tao, susulitin ko ang pagkakataon at ako mismo ang magdidispatsa sa iyo kapag malapit nang maupos ang iyong kandila. "Ang sabi niya, walang koronasyon na magaganap hangga't hindi nakakabalik si Derald mula sa malayong paglalakbay. Hindi ko alam kung saan patungo si Derald at kung sino ang mga kasama nito. May alam ka ba tungkol doon, Ina? Sa tingin mo totoo ang nasa liham at hindi lamang isang kasinungalian upang takpan ang pagtatago ni Derald?" Saglit itong natigilan, sumilay ang makahulugang ngiti sa kanyang mukha kaya napawi nang tuluyan ang inis na aking nadarama. Mukhang kailangan kong bawiin ang sinabi ko. Hindi t*nga si Ripley. Ginawa siya ni Takahashi Sensei bilang isang wais na Reyna. "Wag kang mag-alala, Anak. Mukhang alam ko na kung saan patungo si Derald at kung sino ang mga kasama niya. Matulog ka na dahil sila ay maglalakbay patungo sa kamatayan. Kung makapaghihintay ang iyong Ama sa kanyang pagbabalik, hindi ang mga mamamayan ng Phorian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD