CHAPTER 4: SHATTERED

1041 Words
FERNANDO "Sinasabi ko sa inyo, siguradong may galit sa atin si Reyna Ripley!" bulalas ni Raphael, kasamahan namin sa Squad A. Nilaklak nito ang isang bote ng alak at padabog iyong ipinatong sa kahoy na mesa. Nagkatipon-tipon ang lahat dahil bukas na ang nakatakdang araw ng pag-alis namin sa Phorian. Hindi na bago sa akin ang ganitong pakulo ng Reyna at naramdaman ko na rin noon pa man na tila nais nitong ilagay sa peligro hindi lang ang buhay ko kung hindi ang buo kong kawan. "Bakit tayo lang ang nais niyang mag-ekspedisyon? 'Yong mga kawal niya? Di ba nakahilata lang? Nagpapakasasa sa piling niya?" Umiling ito ng ilang beses habang patuloy pa rin sa pag-inom. May iba na tinatawanan ang kanyang mga hinaing, at mayroon namang inaawat na ito dahil baka may makarinig pa na iba at makarating ito kay Reyna Ripley. "De---Tama naman ang sinasabi ko, di ba? Hindi pa nga tayo nakakapahinga nang matagal, isasabak na naman tayo para mag-ekspedisyon sa Lithele?! Aba'y kag*guhan naman iyon! Matagal nang inabanduna iyon ng ibang mga Akraemor dahil sa masukal na kagubatan at hindi lang iyon, paniguradong magsisimula ng gyera ang gagawin natin. Pag-uwi natin dito, saatin pa isisisi kapag nagpasya ang mga Elven na bulabugin tayo!" Tumayo na ako sa aking kinauupuan at hinablot ang alak nito sa kamay. Masyado na siyang maraming nainom at nasabi. Baka panghinaan ng loob ng iba sa mga lalabas pa sa kanyang bibig. "Magpahinga ka na, Raphael at maaga pa tayong maglalakbay bukas. Ihatid mo na siya sa tinutuluyan niyo, Argus," utos ko. Pinagtulungan ng dalawang tao si Raphael dahil gumegewang na ito. 'Yong alak na hawak ko na pagmamay-ari niya ay inunom ko na dahil sayang naman. "Hindi ko itatanggi ang mga sinabi ni Raphael kanina. Marahil ay isa ito sa mga taktika ng Reyna upang burahin ako sa kaharian ng Phorian. Kaya ngayong gabi, dahil nasimulan na rin naman ni Raphael ang magandang talakayan, nais kong siyasatin ninyo ang inyong mga sarili kung handa ba kayo para sa bagong pagsubok na haharapin. Wag kayong mag-alala, nangangako ako sa inyo na iaalay ko ang buhay ko para makabalik ang bawat-isa nang ligtas. Kaya kung may pag-aagam-agam man kayong nararamdaman, maaari na kayong bumalik sa inyong mga pamilya at sulitin ang inyong buhay. At para naman sa mga mananatili, tanggapin niyo sana ang pinakadakilang pagpapala mula sa ating Bathalang si Mavena," mahaba kong lintana. Naghintay ako ng ilang segundo bago may isang naglakas loob na tumayo at lumabas ng pinto. Ang isa ay nasundan ng isa pa, hanggang sa naging sampu, naging isang daan. "Pranses, ilan ang pinal na bilang ng mga nanatili?" tanong ko sa aking kanang kamay. "Limang daan na lang ang natitira sa Squad A," tugon nito. "Maraming salamat sa inyong katapangan! Ang paglalakbay natin ay gagabayan ni Bathalang Mavena at tayong muli ay magtatagumpay! Ialay ang inyong mga puso para sa kaharian ng Phorian!" "Haaaa!" "Mabuhay ang Phorian! Mabuhay!" Bilang kanilang pinuno, hindi matawaran ang kaligayahan na nadarama ko sa sandaling ito. Sa limang kaluluwa na handang ialay ang buhay nila sa ikagiginhawa ng Phorian, kailangan kong maging malakas at mas matatag upang masuklian ang kanilang katapatan at katapangan. DERALD Hindi ako mapakali sa paglalakad pabalik panaog habang naghihintay ng nilalang na magpapapasok sa akin sa tarangkahan. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cosmos, nakaramdam ako nang labis na takot. Pakiramdam ko anumang oras sa gabing ito may gagawin ang mag-inang iyon upang tuluyan akong maibaon sa lupa. Hindi ko inaasahan na may ganoong kabaliwan si Cosmos. Dahil ba nagbago ang daloy ng kwento kaya nagbago rin ang ugali nito? Sht! Mukhang kahit anong landas ang tahakin ko, iisa lang ang patutunguhan nito, at iyon ay ang tiyak na kamatayan. "Ayaw ko sana, eh. Kaso hindi tayo tatantanan ng Reyna hangga't hindi tayo namamatay," rinig kong sabi no'ng isang kawal na under ni Fernando. Kaagad kong kinaway ang aking kamay at gumawa ng ingay upang maagaw ang kanilang atensyon. Halos magbunyi sa tuwa ang aking puso noong tumingin sila sa aking gawi at ilawan ang aking posisyon. Noong malaman nila ang aking aydentitidad ay pinagbuksan nila ako. "Magandang gabi, Prinsipe Derald. Ano po ang nagdala sa inyo rito sa ganitong oras?" magalang na tanong no'ng isang kawal. "Ahm, nais ko sanang kausapin si Fernando dahil gusto kong sumama para sa paglalakbay bukas," mabilis kong tugon. Nagtinginan silang dalawa noong marinig ang aking tinuran. Ayon sa narinig kong pag-uusap nila, mukhang nag-back out sila para bukas. "S-Sigurado po ba kayo, Kamahalan? Masyado pong delikado sa inyo ang paglalakbay, at isa pa po, may koronasyon pa po kayong dadaluhan, paano po kapag hindi kaagad kayo nakabalik sa kaharian? Paniguradong si Prinsipe Cosmos na ang hihiranging bagong Hari," sabi nito. Ngumisi lang ako dahil wala naman akong interes sa korona hindi katulad no'ng totoong Derald. Sa sobrang paghahangad niyang maging Hari, na-todas siya kaagad. Kaya nga noong magising ako na nasa katauhan ni Derald, hindi ako susunod sa orihinal na istoryan. Priority ko ang maka-survive sa mundong ito, maging malakas at alamin ang mangyayari kapag nakolekta ko ang apat na hiyas. At para magawa ko iyon, kailangan kong tumakas sa Phorian as soon as fckng possible. "Maraming salamat sa inyong pag-aalala ngunit kahit dumalo ako sa koronasyon o hindi ay alam ko na kung sino ang pipiliin ng Hari. Ano nga bang laban ko sa paboritong anak? Pagkatapos kong magising mula sa bingit ng kamatayan, napagtanto ko kung ano ang nais kong gawin sa buhay. Imbes na habulin ko ang korona at makipagkumpetensya sa aking kapatid, mas mainam na ialay na lang ang aking buhay sa pagsisilbi sa kaharian ng Phorian bilang isang maharlikang Akraemor," mahaba kong lintana. Mukhang naantig 'yong dalawang gwardya dahil pagkatapos kong magsalita ay nagpupunas na sila ng mata. "Tunay nga pong malaki ang inyong naging pagbabago, Prinsipe Derald. Sasamahan ka na po namin patungo sa bulwagan. Dahil po sa inyong sinabi nagkaroon kami ng kalakasan upang bumalik at sumama sa ekspedisyon," sabi no'ng isa tapos nagsimula nang maglakad. Tahimik naming binagtas ang tuyong daan habang inaaliw kami ng mga kuliglig na sabay-sabay na umaawit. Habang papalapit kami nang papalapit sa bulwagan, ang organikong tunog ay napalitan nang malalakas na awitan mula sa mga sundalong handang magbuwis ng buhay kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD