Kulay kahel na ang kalangitan at naglalakbay na sa himpapawid ang mga ibon upang umuwi sa kani-kanilang tahanan. Sa ilalim ng magandang kalangitan, aligaga ang mga nilalang sa kaharian ng Phorian dahil sa hindi inaasahang utos na ibinaba ng bagong Hari na si Cosmos. Wala pa ring bago sa loob ng palasyo, payapa pa ring nakahimlay ang katawan ni Falkor sa malambot na kama habang lihim siyang binabantayan ni Akda. Maligalig na nakipaglaro ang hangin, sumusuot sa bawat sulok dala ang masamang balita. Nang matanggap iyon ni Akda, siya'y naalarma dahil hindi niya lubos maisip na dadalaw sa Phorian ang kanyang kalahi. "Masama ito, Kamahalan..." mahina niyang bulong sa nagtutulog-tulugang Hari. Biglang iminulat ni Falkor ang kanyang mata at mabilis na bumangon. Iginala niya ang kanyang paningi