CHAPTER 19:

2551 Words

PRANSES Sa wakas, pagkatapos nang mahigit sampung minutong paglalakbay sa loob ng madilim, malawak, malamig, at mahabang kweba ay narating na rin namin ang dulo. Tagaktak ang pawis naming apat habang nakahawak ang mga kamay ko sa aking tuhod na kanina pa humihingi ng pahinga. "Mataas na ang sikat ng araw, Fernando. Baka maaari muna tayong magpahinga saglit at kumain. Bukod sa katawan, iniinda ko na rin ang aking sikmura," suhestyon ko, bahagyang nakatingala dahil hanggang ngayon ay sapo-sapo ko pa rin ang aking tuhod. "Parang dalawang oras tayong naglakad sa loob ng kweba, ano? Inabot tayo ng tanghali, pero parang mabilis lang naman 'yong ruta natin?" takang tanong ni Derald. "Puno ng hiwaga ang tahanan ng Sigbin, Kamahalan, kaya wag ka ng magtaka kung ang katumbas na sandali sa loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD