Maagang gumising ang mga nilalang sa mayabong na kaharian ng Lithele upang salubungin ang araw. Niyakap sila nang maligamgam nitong kapangyarihan habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin. Sa puso ng masukal na kagubatan, may mga matatapang na kawal na naglalakbay. Alerto ang kanilang pandama habang inaaliw sila ng mga huni ng mga bubwit sa kakahuyan. Animo'y anumang oras ay handa silang pakawalan ang bitbit-bitbit nilang armas kapag may magtangkang tumibag sa kanilang pormasyon. "Naririto na tayo, sa kweba ng Homunmon," mahinang panimula ni Baltasar. Siya ang naunang maglakad papalapit sa bukana ng malaking lagusan. Pumulot siya ng isang piraso ng bato, bum'welo bago ibato ito sa loob. Naghintay sila ng huni na gagawin ng bagay na itinapon ni Baltasar ngunit bigo silang makakuha ng