Ang tatlong matapang na manlalakbay ay nakarating na sa una nilang patutunguhan. Gaya ng inaasahan, sinalubong sila nang masigabong awitan at pinaunlakan ng engrandeng sayawan. "Maligayang pagbabalik, Kamahalan!" maligalig na bati ni Baltasara na sabik na niyakap ang Prinsipe gayon din ang dalawa nitong kasama. "Maraming salamat. Nakakahiya naman, bakit kailangan niyo pang mag-abala nang ganito?" nahihiyang tugon ni Derald. "Ano ka ba, ito ay maliit na bagay lamang na aming maisusukli sa kabila ng kabutihan na natatamo namin araw-araw mula sa iyong Ina," sabi ni Baltasar. Nang mapansin ng mga paslit na Elven na mayroong mga bisita, sila ay dali-daling tumakbo at niyakap ang mga ito. "Prinsipe Derald! Narito po ba kayo upang kami ay sunduin? Makakapunta na po ba kami sa inyong kaharian?